dear love
kumusta ka na?
ano kaya ang ginagawa mo ngayon?
ano kaya ang nararamdaman mo?

nasaan ka na?
bakit tila ayaw mo makipagkita?
nasaan ka na mahal?
bumitaw ka na ba?
nasa healing process pa ako
willing to wait?
ang tanong, nagwawait ka ba?

miss na kita
sana makita kita at makapagusap tayo ng masinsinan
sana tayo sa huli
magasawa at may mga anak

pero bakit love tila parang bumitaw ka na?
ako lang ba yun? o pati ikaw?
love i hope mabasa mo ito
i hope masaya ka kung nasaan ka man
at kung ano ang ginagawa mo para kay Lord

kung sakali man hindi na kita makita
sakali man bumitaw ka na
love, mahal kita
mahal na mahal kita
sana maramdaman mo ito

maraming salamat love sa mga panahong pinaglaban at pinili mo ako
maraming salamat love sa pagunawa sa akin, sa ugali ko, sa imperfections ko
maraming salamat

sana sa mga panahon na nagkasama tayo ay naramdaman mo na minahal kita
sana napatawa kita kahit wala akong sense of humor
sana napasaya kita kahit saglit

i love you, mahal
i love you so much
hinahanap hanap kita mahal,
hindi kita makita

kung sakaling bumitaw ka man
gusto kitang pigilan pero paano?
kung hindi ako ang priority mo, masakit yun para sa akin
kung anu satingin mo ang tama mahal then go
kung satingin mo tama ang bumitaw then do so

salamat, maraming salamat love sa lahat ng binigay mo at pagpapahalaga mo
huwag mong kakalimutan na
i acknowledge si God sa buhay mo
i confess mo lang sa Kaniya ang lahat
i express mo ang pagpapasalamat mo

mahal, kung may iba ka ng gusto or magugustuhan na swak sa hinahanap mo
hindi kita pipigilan kahit gusto ko man
kung dumating man yon i hope kaya ko harapin yun love
minsan hiniling ko na sana nasa labas ka ng bahay o dadalaw ka sa bahay
at magppropose sa akin pero love iba
mukhang iba ang ihip ng hangin
mukhang iba ang nais mo

i surrender all these to God
Kayo na po bahala sa love ko
kahit sa huli hindi man maging kami
i surrender him to You God
i surrender myself to You God
higit sa lahat, salamat Lord God na pinagtagpo Niyo kami at hindi Kayo sumuko sa amin
maraming salamat Lord God

patuloy niyo siyang basbasan at ingatan
patuloy niyo siyang bigyan ng lakas

salamat sa iyong pagbabasa at pakikinig
mag ingat ka
salamat sa iyong mga alaala

mahal kita
paalam