Yung tipong dumating na yung araw na handa mo ng talikuran at piliting kalimutan ang lahat ng mga nakaraan.
Gusto mo mang balikan pero wala ka ng makitang dahilan dahil sarili mo lang naman ang iyong pinahihirapan.

Gusto mo mang sumugal pero tama pa ba na piliin mong ika’y mapamahal? Sa taong walang kasiguraduhan kung sya ba talaga ang hinaharap, handa mo ng kalimutan at lahat. Oo masakit pero kailangang pilitin mo, siguro kung meron ka lang mapagpipilian, tingin ko mas pipiliin mong di na lang magmahal dahil ayaw mo ng masaktan.

Masakit ang katotohanan pero lagi mong tandaan, kailangan mong tanggapin para di ka na muling umasa at masaktan, katotohanan ang magpapalaya sayo, Magpapalaya sa pagkakabilanggo ng iyong puso na hanggang ngayon di mabuo dahil di mo talaga matanggap na di kayo para sa isa’t-isa na pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana.

Bakit ka ba lumuluha? Masakit ba? Bakit ka ba nagtitiis para sa kanya?, habang sya masaya na sa piling ng iba. Nakakatawa pero nakakasakit isiping hindi ikaw ang pinili nya kahit mahal mo sya kahit maraming kang binuong masasayang alaala na kapiling sya, mga planong ikakasaya nya para lang makita nya na mahal na mahal mo sya pero lahat ng ito ay nagbago na dahil ang totoo ang pangarap na binuo mo sa puso mo ay hindi kailan man magkakatotoo.

Tumayo ka sa pagkakalugmok mo hindi pa huli ang lahat, kung mahal mo sya sige ipaglaban mo pero sana pinaglalaban ka rin nya, Mahirap kung isa lang ang lalaban kasi darating ang time na mapapagod ka o susuko na rin sya kung nakikita mo o nakikita nya na walang rin namang kwenta ang lumaban pa dahil nga di naman kayo para sa isa’t-isa kaya “ANG AKALA MO SYA NA PERO HINDI PALA”. 😭