Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

Minsan ang sarap isipin ang mga panahon na nililigawan ka at may isang tao na maapreciate ka

sa kabila ng mga pinagdaanan mo at mga kakulangan mo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kakwentuhan mo sa umaga hanggang gabi, nagbibigay ng atensyon, kasama mo sa galaan at kung san man mo naisin na pumunta. Kasama mong tumawa ng walang katapusan at kasama mo na magkahawak kamay sa kahit san man na pwedeng matanaw ng iyong mata

Sa totoo lang, Nakakatuwa na sariwain at pagmasdan ang mga litrato na nagsilbing indikasyon

ng mga panahon na masaya kayong dalawa at may ningning sa inyong mga mata

Ngunit, ang mga saya pala ay may kapalit na lungkot, dumadating sa punto na walang tigil ang bangayan,

sigawan at iyakan

Minsan maiisip mo eto ba yung tao na nakilala ko? Yung dating nagpapangiti at nagbibigay ng kulay sa  mundo ko?

Yung araw araw na bumibisita at tumatawag sayo para patunayan na karapat dapat sya na piliin mo.

Minsan kasi nagdedecide tayo na pumasok sa relasyon dahil masaya pero di natin naisip na kapag nakita kaya niya ang mga kakulangan at ugali natin magagawa pa ba nyang akapin at sabihin na andyan siya sayo sa hirap at ginhawa

At eto ang kwento ko…

Di naman lahat ng love stories ay happy ending, minsan ang mga karanasan na ito ay panandalian lang at kahit gaano ka man kaganda, kabait at nasa iyo na lahat, di naman lahat ay handa kang iharap sa dambana, sa Diyos at samahan ka panghabang buhay

Nakakatawang isipin na sa edad kong ito ay nagawa kong magmahal ulit at masaktan. Sabi nga nila, wala ka na sa kalendaryo, baka di ka na magkaanak niyan, sayang naman ang lahi pero di ba nila naisip na napakahirap makahanap ng taong para sa iyo at mentras nagmamadali ka nauuwi sa di maganda ang sitwasyon at nauuwi sa pagkadismaya at pagkwestyon mo sa sarili mo kung mahirap ka ba talagang mahalin

Minsan din kasi sa kakabasa ng love stories ng iba at sa mga facebook, twitter at instagram ng iba ay nagkakaroon tayo ng pagnanais na baka sakali tayo naman ang maging masaya, ang problema di pala lahat ng love story ay naayon sa kung anung gusto mo na ending, ito ay halong saya at lungkot.

May mga pagkakataon na naisip ko, malas ata ako sa pagibig kasi kadalasan ng napipili ko eh sadyang di nagtatagal. Minsan naisip ko di naman kakulangan kapag wala kang partner, at least iwas sa heartbreak at di mo kailangan na best foot forward. Pero ayun nga dumating yung akala ko na “sa wakas binigay na” Yun lang di pa din pala.  So sa huli dismaya…

Minsan di naman lahat ng akala mo na okay  ay okay na talaga. Minsan kasi dahil ayaw mong mawala yung taong nagpapasaya sayo ay nagagawa mong tanggapin kung anu ang kaya nyang ibigay na pagmamahal sayo. Minsan kahit mahirap, proprotektahan ang taong mahal mo.

Sa totoo lang, Ang kwento ng pagibig ko ay parang roller coaster kadalasan super saya at super lungkot sa susunod, Kaya naisip ko, di naman ibig sabihin na talo ako sa storya na ito ay matatalo ako sa ibang bagay at di naman ibig sabihin na kulang ako ay di ako karapat dapat mahalin.

Di din mahalaga kung matagal dumating, ang mahalaga yung di ka magagawang sukuan kahit gaano ka man kahirap maintindihan, sa kabila ng mood swings, sa kabila ng mga kapintasan aakapin ka pa din at aalalay sayo na maging mabuting tao at magagawa nyang maiharap ka sa Diyos at sa lahat ng tao.

Di man naging maganda ang katapusan ng love story ko, Dalawa lang naman ang mahalaga, Di kailanman nawala yung tiwala ko sa Diyos na isang araw yung tao na para sa akin ay darating sa panahong handa ako at handa siyang mahalin ako at tanggapin ang buong ako. Di kailangan magmadali, at  mapressure sa mundo at

Ikalawa, Sa kabila ng lahat … Salamat sa kasiyahan na naidulot mo sa mundo ko.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required