Baka Sa Paghihintay ko, naantala ang pagdating ng taong nakalaan para sayo :)

273

I said goodbye to you today and it hurts. Masakit isipin na nung sinabi ko na iiwan kita, inisip mo na mas mapapabuti ako kung wala ka. Sa mga kadahilanang hindi ka pa handa, wala kang tiwala  sa sarili mo at wala kang plano sa buhay mo. Gusto ko ipagpilitan sayo na ako na lang ang mahalin mo na kahit hindi ka pa handa, handa na ko para sa ating dalawa. Pero natatakot ako na baka hindi ka maging masaya. May mga bagay lang talaga siguro na pinagtagpo pero hindi talaga maaring magsama. Mahal kita, ilang beses ko bang sinabi sayo yun? hindi ko na maalala pero ni minsan, hindi ko narinig ang mga salitang yun sa labi mo. Gusto ko maghintay sayo.gusto ko na hintayin ka na mahanap ang sarili mo at ipagpatuloy ang nasimulan nating pagsasama na hindi naman nauwi sa relasyon. Nakakapikon din minsan yung mga patama ng taga boiling waters. Yung sinabi nila na “masaya naman tayo sa kung anong meron tayo” were the exact words you said to me. pero ngayon, ayoko ng maghintay. hindi ako napagod. baka lang siguro dahil sa paghihintay ko kaya hindi dumarating yung talagang para sayo. Naniniwala ako na pag nahanap mo yung taong kabiyak ng puso mo, magiging handa ka kahit anong oras at panahon pa ang pagdating nya. Magiging malakas ka dahil sa pagmamahal mo sa taong yun. Siguro nga, sabi ko sayo. Hindi ako ang para sayo. kaya iiwan kita. para hindi na maantala ang pagdating ng taong nakalaan para sayo. Mahal kita. at sana, alagaan ka nya. Ingatan ka nya katulad ng pag iingat ko sayo. Mahalin ka nya lalo na sa mga araw na mahirap kang intindihin at mahalin. Pasayahin ka nya sa mga pagkakataong ang puso mo’y nalulunod sa lungkot. Hindi ko kayang sabihin lahat sayo to pero sana kung mapadpad ka man sa mga pahinang ito. Malaman mo na hindi ako sumuko, tinanggap ko lang na hindi ako ang para sayo. sana dumating na sya kaibigan, sana maging masaya ka na. Kung sakali mang magkita tayo ulit katulad ng una nating pagkikita sa ilalim ng ulan, sana makita ko pa rin ang mga ngiti mo. Mangungulila ako sa mga yakap mo na nagbigay ng lakas sa mga panahong mahina ako. Mahanap mo nawa ang KAPAYAPAAN ng kalooban na lagi nating pinag uusapan. Hanggang sa muli, kaibigan.

P.S. Available pa yung seats sa harap ng National Bookstore sa Market Market, Groundfloor kung saan ka lagi nag momobile legends.

Aze