Mahal, nang mag kakilala tayo wasak ka

Binuo kita para maging masaya ka

Bumalik ang dating sigla sa yong mga mata

 

Ngunit mahal? Bakit ganto ang iyong ibinalik

Pinasaya kita binuo ulit kita ngunit Mahal bakit ako?

 

Ako naman ang iyong winasak,sinira mo ako sirang sira

Masaya kana sa piling ko,comportable na tayo sa isa’t isa

 

Ngunit hindi pala ito ang basihan para ika’y manatili sa piling ko

Dahil kahit anong gawin ko hinding-hindi ko sya mapapaltan dyan sa puso mo

 

Pilit ko man kalimutan kung paano tayo nag umpisa

Pano kita pinasaya sa mga araw na malungkot ka

 

Pano kita unting unting binubuo,

Pano ako naging masaya sa piling mo

 

Mahal nais ko lang sabihin na may isang ako na minahal ka

Minahal kita kung ano ka,

Wag mo sana makalimutan

Makalimutan na naging parte ako ng buhay mo

Sirang sira man ako dahil,ako’y sinira mo

Basag man ako ngayon ,dahil sayo

Mabubuo ulit ako

 

Ngunit sa bawat araw na lumipas tinatanong ko ang aking sarili

Mahal binuo nga ba kita?

Nabuo nga ba kita?