Dulot ng Iyong Paglisan

52

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mula ng ikaw ay mawala
Mundo ko tila`y tumigil bigla
nawalan ng gana, puso kung masigla
luha ko`y bilag pumatak sa lupa

Hindi maintidihan sakit na nadarama
Bakit ganito bakit ako`y nagawang iniwan mo
Tanong sa sarili, may pagkukulang ba ako sayo?
Hanggang sa patulog ay tanong ko ito.

Hindi ko malaman saan ako nag kulang
Bakit bigla nalang ako nilisan ng walang paalam
Isipin ko man ano naging sanhi ng iyong paalam
Kirot sa aking puso`t isipan kung saan ako nag kulang

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Tanong sa akin sarili babalik ka pa ba sa piling ko
Mag aantay ako abutin man ng pag gunaw ng mundo
Hanggang may bukang liwayway
Ako`y handang mag hintay

Sa panahon na lungkot ang aking nadadama
Ikaw lang ang gustong makasama
Hindi ka man nakapiling hanggang pag tanda
Lahat ng nakapag pasaya sa akin, sayo ko lang nadama

Bigla mo man ako nilisan ng walang paalam
Hindi ko kakalimutan masasayang araw na tayo magkasama
Sa lilim ng puno tayo noon ay magkasama
Habang ang bawat sandali na ikaw ay kasama

Masakit sa isip ko na ikaw ay pakawalan
Wala akong ibang nais kundi ang kasiyahan mo
Mga gabing lungkot ang aking nararamadaman
Pilitin man kalimutan ka, lagi akong nabibigo

Dalangin ko kay bathala
bigat ng aking nararamdaman
Nawa`y pag gising ko makalimutan ng bigla
sakit na nadarama sa puso`t isip ko ay mawala

Send me the best BW Tampal!

* indicates required