Ang dami-daming tao sa paligid mo
Pero alam mo ang nakakalito?
Bakit iisang tao lang nakikita mo?
Subukan mo kayang tumakbo

Sa lugar kung saan maiisip mo
Kung kamusta na ba ang sarili mo
Para di ka na rin nalilito
kung lalaban ka pa ba o magpapatalo

Alam kong sya lang talaga
Pero sana gumising ka na
Isiping araw-araw may bagong umaga
Na kung saan meron tayong panibagong pag-asa
Subukan mong tumingin sa kalawakan
Para makita mo ang iyong kasagutan

Na tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam
Kaya payo ko sayo kaibigan maghintay at may nakalaan
May nakalaan sayong hindi mo inaasahan
Kaya kung “Far Sighted” ka man
Sana sa Diyos mo matagpuan ang sagot na iyong inaasam

Basta lagi mo lang tatandaan
Na sayo’y may nakalaan
Kahit pagod ka man o sugatan
Wag kang magsawang lumaban
Kaya mo yan basta magpakatatag ka lang