Feeling Second Best? Ako din friend.

49

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Baka pareho tayo ng pakiramdam.

Sasabihin ko na sa iyo. Masakit.
Yung pakiramdam mong “second best” ka lang.
Hindi man niya sinasabi ng derecho, pero aminin mo, iyon ang nadadama mo.

Eto kwento ko.

Yung partner ko ngayon ay may previous relationship na 5 years. Their past, as I can see is super magical. They had the best times together. They traveled, done adventures, their families liked them so much, kumbaga sabi nga nila, “kasal na lang ang kulang”. Till nag cheat si ex-gf. They tried to revive it pero, ayaw na nung partner ko. And so, after a few months we met. Typical story na rin siguro yung aawayin ako ni ex-gf kasi di pa niya natanggap na wala na sila. Pero kahit ano pang masasakit na salita ang narinig ko, hindi ako kumibo.

Bakit feeling ko second best ako? Kasi…

Pag may family gatherings kasama pa rin si ex-gf, as if part pa rin sya ng buhay ng partner ko. Nakipag closure pa ulit ang partner ko sa kanya at nakita kong iniyakan niya pa ulit ito. It took him time to erase their photos and as of this writing there are still photos in his laptop and social media. Buset na pandemic to, hindi kami makakilos at nahihirapan akong higitan ang memories nila. Minsan kahit anong gawin ko hindi ko sya mahigitan kahit sinusubukan ko lagi yung best ko. Samantalang si ex-gf, sya na yung nanloko pero sila pa dapat yung ikakasal.

OA ba ko? ewan ko din. Maliit na bagay lang ba to para bigyan ko pa ng pansin? Well, walang sinuman ang makapagsasabi sayo na invalid ang nadadama mo. Tao ka. Entitled kang makadama ng gusto mo.

Pero bakit ko sinasabi to ngayon sayo? Kasi…

Hindi mo dapat ikumpara yung sarili mo sa past ng partner mo. Na pakiramdam mo na you fall short. You could never take her/his place just as she/he could never had been who you are, and have what you and your partner share. Payong kaibigan lang, kung yung thought na may long-term relationship yung partner mo before kahit pa TOTGA niya yun or first love ay nakaka bagabag sayo ngayon, baka IKAW pala yung hindi handa sa relasyon niyo. Huwag mo hayaang maapektuhan ka nito Cactus.

Don’t jeopardize your future happiness.