Hanggang friends lang, promise.

110

I don’t want to sound so needy pero wala kabang balak na kausapin ako ulit?

Okay naman tayo dati, diba?

Masaya naman tayong magkausap tapos biglang…. pooooof! Wala na? Ayaw mo na talaga akong kausapin? Am I not witty or cool enough to be someone you want to spend your time with?

Natatakot kaba o iniisip mo na baka ma-fall ako sa’yo kaya mas pinili mo na lumayo? Kasi you can sense that I might fall in love with you at hindi mo kayang suklian ang posibleng maramdaman ko sa’yo?

O sige! Hindi na ako mapo-fall. Friends lang ang tingin ko sa’yo basta kausapin mo ulit ako katulad ng dati.

Promise hindi ako mahuhulog sa’yo. Friends lang tayo at sapat na sa akin to spend time with you, listen to your stories and have a great and fun conversation. Okay na ako dun. Am I asking for too much? Hindi naman diba?

Magparamdam kana ulit, please. Kahit kwentuhan lang, kahit once a week lang. Basta alam ko na naalala mo ako at hindi mo kinalimutan.

Hanggang friends lang, promise. Hindi ako mai-inlove.

Pipilitin kong pigilan ang nararamdam ko kung ‘yun ang kinakabahala mo kahit na I already fell in love before you knew it. Kaya ko namang pigilan ‘to, ang hindi ko lang kayang pigilan ay ang pagka-miss ko sa’yo.