Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Huwag kang matakot,

Wala man ako sa tabi mo,

Asahan mong narito ako,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nakadungaw mula sa malayo.

 

Huwag kang matakot,

Sadyang masalimuot lang ang ating mundo,

Madalas ay paglalaruan pa tayo nito,

Ngunit ‘wag kang matakot,

Kasama mo ako;

 

Hindi ka nag-iisa,

Binibigyan lang kita ng pagkakataong huminga,

Hahayaan kitang ayusin ang sarili mong nasira,

Sapagkat may tiwala ako sayo,

Alam kong kaya mo—

Kaya mo kahit wala ako.

 

Ipakita mo sa akin ang katapangan mo,

Labanan mo ang kadiliman sa utak mo,

Ipakita mo sa mundo na kaya mo.

 

Huwag kang matakot,

Ako ang unang taong susuporta sayo,

Ang unang tatakbo papalapit sayo,

Ipagmamalaki kita sa masalimuot na mundo—

 

Nandito lang ako.

 

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required