Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ikaw ang paborito kong timpla ng kape na gumigising sa natutulog kong diwa. Ikaw ang aking ligaya sa namumukadkad na umaga. Ikaw ang unan ko’t gutson, sa’yo ay may pahinga. Ikaw ang awit na ‘di nakakasawang pakinggan. Ikaw ang kuwentong tanging ako lang ang nakakaalam.

Ikaw ang tahanang nais uwian — mga yakap ng mga bisig mo’y gustong maramdaman. Ikaw ang bulaklak na labis ang bango at halimuyak.

Ikaw.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kahit ang mundo’y litong-lito na, isang bagay ang hindi ko pwedeng itanggi, ikaw ang aking itinatangi. Oo, ikaw. Pipiliin kita sa araw-araw.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required