Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hi. Kamusta ka? Salamat sa pa-cake 🙂 Hindi na sisikatan ng araw ‘yon dahil sa matatakaw kong mga kapatid at dahil sa iyong abang lingkod. Salamat din sa pa-reviewer, may bagong set na naman ako ng pag-ca-cram-an. Yung iba mo pa lang binigay walang sagot hays. Hindi pa nilagyan. [Demanding]. Salamat din sa pa-sample ng Thesis, mas lalo tuloy akong na-excite gumawa kasi alam ko na ang mga dapat gawin. Pero baka naman pwede mo na rin ako ipaggawa tutal tapos ka na. [Abuso].

Gusto na kitang i-chat kaya lang, hindi pa pwede. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang i-sustain ang usapan, masasayang lang kung sisimulan.

Kaya dito ko na lang muna idadaan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nag-aral nga pala ako kanina para sa pre-boards. Medyo dehado nung prelims e, hindi masyadong nakareview at nataranta noong kasagsagan ng exam. Kung bakit ba naman sa lahat ng oras na bigla kang uutlaw dito, kasabay pa ng exam namin doon? [Bakit ba kasi hanggang gate ka lang? Sana nung nalaman mong nag-eexam ako, sinabi mo, tutulungan mo na ako para maka-usap mo ako. Demanding.] Pero hindi naman kita sinisisi, sinisisi ko ang sarili ko at ang sitwasyon. ”Sinisi”, pala ang tamang term. Hindi ko na sinisisi ang sarili ko ngayon, wala rin namang sense kung magpapaka-inis ako sa sarili ko. Alam ko naman na malakas ako at kaya kong bawiin ‘yon. Sa irerelease na top notchers ngayon, wala pa ako, pero abangan mo sa midterms, nandoon na ako. At magiging proud ka sakin. [Kung, ako pa rin ang nandyan sa puso mo. Corny]

Pero minsan naiisip ko, paano kaya kung sabay tayong mag-aral? Narereview ka para sa board exam, narereview naman ako sa pre-boards. [Yieee]. Kaya lang hanggang idea lang muna. Mukhang marami na akong nasasabi. Sa sunod na lang ulit. Abangan mo ha, yung pangalan ko sa midterm topnotchers. Goodnight! 😀

Send me the best BW Tampal!

* indicates required