Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Isip ko ay napakagulo
Hindi ko malaman bakit tayo ngkakaganito.
Di ko mawari kung ano ako sa buhay mo
At ako ay nahihirapan na sa ganito.

Isa ba akong kaibigan lamang
Sa panahon na kailangan mo ng karamay.
O isang ka-ibigan lamang
Sa panahon na nababato ka sa iyong buhay

Kaibigan man o ka-ibigan
Ako’y nandito lamang para sayo.
Kahit na ako ay iyong nasasaktan
Hindi mawawala ang pagmamahal sayo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero sana pag dumating ang panahon
Kung saan malinaw na ang lahat sa atin.
Ay hindi mo ako alisin sa buhay mo
Dahil alaala mo ay mahirap mawala sa akin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required