Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Franz! Pasuyo naman nung bike mo flat ata pakihanginan muna, hihiramin ko. Thanks!” sigaw ko mula sa banyo.

“Ba’t hindi na lang yung sa’yo yung gamitin mo? Lagi na lang ‘yung akin ang ginagamit mo.” sagot naman ni Franz mula sa sala.

Iyan si Rylee Franz Elizarde Valdenor, ang bunso kong kapatid na madabog pag biglang uutusan pero susunod din naman. Bestfriends sila ni konsensiya. Mabilis kung magtama ng pagkakamali.

“Hindi ko pa kasi naaayos ‘yung preno, dali na.” pagsusumamo ko.

“Franz, ayusin mo na ‘yun, late na ‘yang ate mo. Tanghali na kasi bumangon! Bilisan mo na jan Rein, mahiya ka naman. Hindi porket kuya mo ang instructor at tatay mo ang bisor doon pwede kang magpa-late late.” sigaw naman ni Mama.

Iyan si Mama Renalyn Bacani Elizarde-Valdenor. Ang mama na mas matapang pa raw sa kapeng barako. Siguro kung icoconsider mo lang yung mga araw na galit siya, tunay nga. Pero sobrang hands up ako sa pag-aalaga ni mama. Daig pa ang alagang silka papaya. Masesermonan ka pero hindi ka mangangayayat. Kasi umagahan pa lang may memeryendahin na kayo. Siya rin ang malakas kumita sa pamilya, mas mataas pa kung sumweldo kay papa. Syempre kinsenas katapusan, sa kanya ang ending ng sweldo ni papa plus yung kita pa sa tahian namin na mina-manage niya.

“Opo.” sagot ko.

Kaya naman ako tinanghali kasi may tinapos pa akong drawing hanggang kaninang alas-kwatro. Ang kurso ko sabi ng mga naggagaling galingan, madali lang, drawing drawing lang. Oo, madaling madaling araw ka na laging makakatulog. Mejo kamukha ko si Wonderwoman pero grabe talaga makapagpa-plates ang professors namin. Hindi madala ng ultimate super powers para hindi abutin ng umaga sa paggagawa.  

Putting those aside. This is the day. Syet. Kinakabahan na ako. Pero at the same time na-eexcite. Makakapag-aral na akong magdrive!!! After 123456789 years maiisakatuparan na rin. Pangako ni Papa na bibigyang katuparan ni kuya. Ano kayang magiging set up namin nito. Ready na akong mabash ng kuya.

Naeexcite ako sa part na pag ako natuto at naging bihasa dito oh em gee, feeling ko I’m a strong independent woman na. Independent woman na hindi na mangangailangan ng jowang susundo at maghahatid. Pampalubag loob lang. Kasi wala namang nagtatangka…ulit. 

Heto na naman tayo Rein. Halos lahat na lang ng bagay inassociate mo sa romantic love. Naalala mo na naman yung ex mo. Yung ex mo na hindi mo na kinibo nung nalaman mong sobrang taliwas ng paniniwala nyo sa buhay. Tapos padrama drama ka jan ngayong nakahanap siya ng bago. Gaga ka girl.

Pero girl, late ka na. Magbanlaw ka na, sisigaw na naman mama mo.

“Rein!”

Sabi na nga ba.

“Patapos na po.”

Okay all set. Wallet. Cellphone. Notebook. Ballpen. 

“Driver’s license, here I come.”

“Bago kayo magdrive ng sasakyan, kailangan niyo munang iheck ang mga bagay bagay. Meron tayong acronym para madali niyo itong matandaan. BLOWBAGS. B for battery. L for lights. O for oil. W for water. B for brakes. A for air. G for gas.”

Natatawa ako. Ito ba ‘yong tinatawag nilang conflict of interest? Matino din palang tignan ‘tong kuya ko. Raiven Josh Elizarde Valdenor. Ang mysteriou-serious looking guy na laging nasesermonan ni mama kasi ang tanda na hindi pa rin nagkukusang maghiwalay ng brip sa labahan. 

“Rein.” bulong ni Karen. 

Iyan si Karen Abellardo. Ang  mortal kong kalaban pag may poster making competition noong elementary at highschool. Pero nitong nagcollege naging super bestfriend ko kasi naging magkaklase kami sa Architecture. Mayaman, may tig-iisang T.V. sa bawat kwarto, pero ang nasa sala lang ang gumagana. May masayang family at lovelife. Sanaol sa lovelife.

Nakakapanibago, hindi megaphone ang boses ng loka. Takot din naman sa kuya ko e. Palibhasa alam niya ang ugali. 

“Oh?”

“Ang tatanda ng mga kaklase natin. Sa pagkakarinig ko mga professional na ang iba jan. Nakita ko din nga yung Alumni natin.”

“Weh. Sino?”

“Ayun. Si kuya Carlo Martillano”

“Hindi ko kilala. Inabutan ba natin siya?”

“Ay hindi. Kaya ko nga pala kilala kasi kaklase ni ate.”

“Ohhh.”

In fairness, gwapo. Kaya lang parang ang liit na tao. Hindi papasa sa standards ng angkan. Parang si ex… well nevermind.

“Rein!” tawag ng panget na professor sa unahan. 

Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinanlakihan ng mata. Get’s na nyang tinatanong ko kung bakit.

Sumenyas naman siya ng laptop. pindot. kanan. siya. labas. 

Ginawa naman akong secretary nito. Secretary na walang sweldo. Aishh.

Eto ang ayoko sa lahat e. Umupo sa unahan ng napakaraming tao. Kuya kasi. 

Paano nga mag-play all video dito? Syet. Mapapahiya pa nga ata. Kuya kasi. bibokid.

Select all. Right click. Play with WMP.

Ayuuun. Yun lang pala. 

Pumunta na ulit ako sa tabi ni Karen. Hindi pa man ako nakakaupo, may umimik bigla at hindi ko pa ito nililingon. Syet. Anong linggo na ba ngayon? First week? Second week? Syet. First week. Baka nagkamens ako, natagusan? Light blue pants pa naman suot ko ngayon. 

“Miss naplay na ata ‘to kanina.” dugtong nito at nilingon ko na siya.

Nakahinga ako bigla nang maluwag. Yun lang pala. Akala ko naman kabuwanan ko na. Kabuwanan? buntis? Ka-mens-anan? 

“Ay sorry po.” nasabi ko na lang.

Napahiya na nga po ang apo ng Mamay. First day of class. First shame of class. Kuya kasi!

“Sige ako na.”

Nakakahiya.

“Siiiiitsiiit.” tawag ni Karen. Nabasa siguro ang pagkapahiya sa mukha ko. Alam na alam nito na medyo concious ako sa actions ko e.

“Siya na raw.” 

“Oo nga, siya na. Nakakahiya”

“Gaga. Siya na raw. Siya na raw ang love of your life. Yieeeee.”

“Sira ka. Haha”

“Para kasi kayong nagte-taping kanina, ang tagal mo lumingon. LQ kayo girl?”

Matagal na pala akong nag-isip nang lagay na iyon. Nadagdagan na naman kahihiyan ko. Hays.

SEE FULL STORY:
ANG KAUNA-UNAHANG DRIVER’S LICENSE – Nadine Kate – Wattpad