Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kumusta?

Sambit ko sa’yo at nais kong titigan mo ako sa mga mata at iyong ipahayag sa’kin ang tunay na nadarama.

Magkuwento ka.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Bukas ang isip na siyang iintindi sa bigat ng iyong mga pasanin at problema. Handa ang puso na makinig sa iyong mga hinaing.

Iyong bigkasin ang mga salita na siyang tutugma na kahit gaano man ito karami ay hindi ako magsasawang pakinggan ka.

Nais kong ipaalala na kahit gaano man kalupit ang mundo sa’yo ay andito lang ako sa tabi mo. Handa kang tabihan at harapin ang unos ng mundo. Andito lang ako, aalalay sa’yo.

Halika, magkuwento ka at makikinig ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required