Hindi ko na hahabaan sapagkat alam kong wala kang panahon para sa ganito.
Ngunit gusto ko lang ipahiwatig itong nararamdaman ko.
Hindi ako desperado, gusto ko lang malaman mo ang tunay na nararamdaman ko.
Korni man tong paraan ko pero sana paglaanan mo ng panahon mo.
Pasensya ka na, ako’y may pagkamakata.  Alam ko naman na alam mo na ako’y may pagtingin sayo ngunit gusto kong ipagsigawan sa pamamagitan ng liham na ito Na binihag mo na ang aking puso.
Hindi ako naniniwala sa love at first sight dahil para sa akin ang pagmamahal ay may pinagdadaanang proseso.
Ngunit bakit? Tanong ko na lang sa sarili ko. Unang beses pa lang kitang nakita, agad mong nabihag ang aking mga mata. Hanap-hanap kita sa tuwina, saan man ako mapunta. Inaabangan ka sa ka eskwela. Tuwing tanghali dun sa kantina.
Makita lang kita, ako’y masaya na.
Lagi mong tatandaan na tanggap kita sa kabila ng di-kasakdalan mo.
Sa kabila ng kamalian mo.
Sa kabila ng kasamaan mo.
Hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Hindi ako humihingi ng anumang kapalit.  Ang gustuhin mo ako’y hindi ko ipipilit.
Kung may gusto ka mang iba,
Panalangin ko’y gustuhin ka rin niya.
Ang makita kang masaya,
Kahit pa sa piling ng niya,
a
ko ay panatag na.
Kung sakaling saktan ka niya, lagi mong tandaan na andito lang ako.
Patuloy na maghihintay sayo.

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official values or position of Boiling Waters PH. Assumptions made within the analysis are not reflective of the position of any Boiling Waters PH entity.