Sa ilalaim ng puno ako umupo
Nagmumuni-muni , at mga ala-ala’y nabuo
Maalala kung paano ako sa buhay mo
Simula nung makilala mo ang bago mo

Hinayaan ko ang sarili kong masanay sayo.
Mga panahon ko’y inilaan sa presensya mo
Yung tipong tinuring na kitang kapatid
Na akala ko kailanman di mawawaglit

Hanggang sa dumating na siya’y iyong nakilala
Nagpaalam ka sakin at sinabing mong babalik ka
Wala akong nagawa, kapatid kita kaya hinayaan kita
Pero diko lubos maisip na hanggang dun na lang pala.

Bawat araw hinihintay ko ang iyong pagbabalik
Dahil sa pag-asang babalik ka pa aking kapatid.
Na kahit ilang beses mo akong hindi inisip
Taos puso parin kitang tatanggapin.

Hindi kailanman matutumbasan ng iyong paglimot
Ang uhaw kong damdaming ikaw ang sagot
Pagkat ikaw lamang ang siyang minamahal ko
Kaya’t ako’y maghihintay habang ako’y naririto.