Mr. A ex-crush

50

Paano pag nalaman mo na ang dati mong mahal na mahal ka rin ay may nililigawan na?
Paano mo tatanggapin iyon

So nalaman ko from someone na may nililigawan ka na pala
Kaya pala ang dali sa iyo mag let go
Kaya pala ang dali sa iyo na huwag na muling subukan muli
kaya pala may post ka na verse na there’s a time for everything
yun na pala iyon
may nagmamay ari na ng puso mo, attention mo

ang sakit, ang sakit sakit
naisip ko na kayo na ikakasal
naisip ko na magkakaanak kayo

ang sakit kasi dati kong pinangarap yon
ang sakit kasi hindi na magiging tayo yon

ang funny kasi kilala ko yung girl, mabait, maganda, matalino, maka Diyos
hindi ako galit sa kaniya but i cant help but be jealous
i think normal tendency yon

ang sakit
ang sakit sakit
minsan naisip ko na willing kang tumawid para sa akin pero hindi
pinili mo ang someone na nasa work field mo

i am grieving, hindi ko alam bakit ganun na lang
been listening to sad love songs or broken hearted songs
to help me process my emotions and release them

i am happy for you kahit ang sakit
i am happy for her
sa totoo, oo, bagay kayo
tama nga, na may bagay na hindi para sa isa’t isa
totoo nga ang kanta na may mga taong pinagtapo pero hindi tinadhana

as i grieve, nag f flashback yung dating nagkakasalubong ang tingin natin
sa mga events like anniversary event ng isang company
ang sakit and i am letting this go to God
i am letting you go
i am letting go of all the dreams and pains na invovled ka

i wish all the best for you, for the both of you, for your soon to be family
hindi ko aim na siraan ka or asarin ka,
gusto ko lang i express itong nararamdaman ko
lungkot, galit sa iyo, awa sa sarili ko
bakit mo pa sinabi na mahal mo ako kung di mo man lang ipaglaban
like crossing mountains
pero ayun nga may standards kang sinusunod,
gusto mo ang same work field kayo

gee, ang sakit habang tinatype ko ito
my heart is aching
nagdurugo puso ko

Take this heart Lord God
Bless me a new one
Bless me as i grieve

tanggap ko na
tanggap ko na hindi tayo
tanggap ko na kayo na

kung may triggers and memories man lalo na kapag nakakarinig ng sad songs
I surrender them to God
if biglang makita ko ang couple photos, wedding photos, and family photos niyo
ma trigger man o hindi, i am going to be happy for you

thank you for the sad and happy memories
thank you dahil pinaramdam mo kahit sa saglit na panahon na
worthy to be prayed and pursued ako
thank you sa effort and gestures

forgive me kung nahurt kita, kahit ako ang unang sumuko
i forgive you for hurting me like not fightning for me ung tipong
willing to cross mountains
i forgive you

i letting you go to God

I bless you with all God’s greatness Mr. A ex crush, your new lover, and your soon to be family
I am letting you go
Paalam

God bless!