Kahit malayo ka,

Kahit di lagi nakikita,

Mamahalin pa rin kita.

 

Dahil pinilit kong kalimutan ka,

Pero di ko nagawa,

Kahit pagtingin ay ibalingĀ  sa iba.

 

Alam ko kailanma’y di karapatdapat sayo,

Napakabait at matagumpay mo,

Samantalang ako’y kabaliktaran mo.

 

Kaya nga di na muli sa Diyos hihingin,

Na ikaw ay nawa magkagusto sa akin,

Dahil alam ko ika’y di magiging masaya sa akin.

 

Pangako magiging masaya ako para sayo,

Sa pagdating ng taong mamahalin at ipaglalaban mo.

Ngunit di maipapangako na di masasaktan ang puso ko.