Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Naiintindihan ko kung bakit kailangan na maging ganito tayo,
Yung hindi na pwede kung pano tayo dati.
Dahil sa naiintindihan ko, hindi ko rin kayang magalit kahit parang sobrang ang unfair mo sakin.
Naiintindihan ko na para to lahat sa ikakabuti natin parahes.
Naiintindihan ko, pero hindi ibig sabihin na hindi ako nasasaktan.
Naiintindihan ko pero hindi ibig sabihin hindi kita namimiss ng sobra.
Naiintindihan ko pero hindi ko mapapangako na kaya kitang kalimutan ng ganun nalang.
Pero dahil nga naiintindihan ko, patuloy ako na magmamahal kasi alam ko na mahal nga kita talaga.
Magmamahal ako Hanggang sa wala na kong maramdamang sakit kundi purong pang unawa at pagmamahal nalang yung maiwan.
Naiintindihan ko. oo.
Naiintindihan ko. Kasi kailangan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required