Isang taon ang lumipas sobrang daming naganap, mga bagay at pangyayari na masasaya ang hindi mabibilang..hindi perpektong kasiyahan pero alam kong makabuluhan at hindi pangkaraniwan…ano bang nangyari? sa dinami dami ng away natin sa loob ng isang taon, mga pinagawayang pwedeng maging dahilan ng hiwalayan,bakit ba tayo natapos sa dahilang hindi naman natin inaasahan…simula umpisa andaming mga bagay ang ginagawa ko na hindi ko naman gingawa bago pa tayo umabot sa ganto..mga bagay na naging parte n ng araw araw ko…mga bagay na nakasanayan ko ng gawin kasama ka…oo nakasanayan ko na… alam mo yung feeling na kapag ginagawa mo yung bagay na yun ng wala ka, hindi kumpleto, hindi sya masaya, hindi nkakaganda ng pakiramdam..ang hirap pala kapag yung mga un nawala na…nawala na lang bigla sa isang iglap…nakakalungkot isipin..nakakalungkot balikan.

Nasanay ako, nung mga panahong wala ka na tiisin na lang ang sakit na nararamdaman ko tuwing hindi mo ako kinakausap sa bawat araw na lumilipas sa atin lalo pa at alam kong ikaw naman ang bigla na lang nawala

Nasanay ako, nung mga panahong wala ka, na kayanin ang hirap na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kitang masaya kasama ng iba, alm kong kaibigan mo sila pero kapag sila ang kasama mo, narramdaman kong kaya mo naman pala ng wala ako, na hindi mo naman pala ako kelnagan  sa buhay mo.

Nasanay ako, nung mga panahong binabalewala mo ang oras na nasasayang para sa ating dalawa, na sa halip na oras na natin un para maging masaya ay naging oras pa natin para magtanim ng galit at maging dahilan ng paglabo at pagkamanhid ng mga puso

Nasanay ako, nung mga panahong wala ka, sa  lungkot na nararamdaman ko bago ako matulog sa gabi hanggang sa paggising ko sa umaga na wala ka man lang paramdam kahit isa, na parang wala n lang lahat sayo, na talagang hindi na ako parte ng sistema mo

Nasanay ako, nung mga panahong wala ka, na tanungin ang sarili ko ng BAKIT  hanggang sa natanggap ko na lang kahit na masakit na para sa akin.

Nasanay ako , na sa sobrang sakit ng nararamdaman ko mula umaga pag gising ko wala na lang akong maramdamang kahit ano.

Ganun pala talaga yun, na kapag nasanay na ang puso mo sa sakit namamanhid na lang. Ganun pala yun, na kapag pinalipas mo ang pagkakataon na maayos ang gusot, mahihirapan ka na pala talgang makabalik pa..siguro dahil puso na mismo ang bumigay, ang napagod.Ganon pala yun, na kapag nasanay ka na, nakakaya mo na.

Sabi ko nga sa sarili ko noon pa, may mga bagay talga tayo na pwede mong isipin pero hindi na pwedeng ulitin.

Pasensya pero…WALA NA TAYONG IPAGPAPATULOY PA.