Matagal na panahon na ang lumipas.

Ngunit ang damdamin kong ito para sa’yo ay hindi pa rin kumukupas.

Walang ibang mamahalin kundi ikaw lalo na ang iyong pagkatao.

Lahat man ay magbago, hinding-hindi pa rin ito magbabago.

 

Gagawing posible ang imposible.

Basta’t mabigyan pa sana ako ng isa pang pagkakataon.

Kung mabigo at masaktan man hindi na bale.

Ang mahalaga makabawi ako sa mga nasayang kong pagkakataon noon.