Okay pa ba ko? Lagi kong tanong sa sarili ko habang nararamdaman ko ang sakit at pagkayamot.

Okay pa ba ko? Tanong na lagi kong iniisip ng maraming beses tuwing akoy nabubugnot.

Okay pa ba ko? Sa tuwing nararamdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko habang gumuguhit ang sakit sa dibdib ko.

Okay pa ba ko? Habang nag iisip kung tama pa bang manatili sa relasyon na kailanman mananatiling mali ako

Minsan kailangan ko rin isipin na paano naman ako? Paano naman ako kung puro ikaw iintindihin ko

Paano naman ako kung bandang huli talo nanaman ako sa tuwing isusugal ko yung sarili ko para hindi maging komplikado yung mundo mo

Mundo mo na puro sila pero wala ako

Wala ako sa prioridad mo wala ako sa mga balak mo

Wala ako sa mga panahon na sila yung kasama mo

Wala ako sa tuwing iniisip mo yung mga kalaro mo

Wala ako sa parte na masaya kayo

Gulong gulo ako sa bawat sitwasyon kung saan lulugar at walang tamang direksyon

Direksyon kung saan ako may pwesto

Direksyon na kung saan ako naman ang uunahin mo

Uunahin mo na nung unang naging tayo ko lang naramdaman

Uunahin mo nung mga panahon na nag uumpisa pa lang tayo

Yung tayo na akala ko kumpleto

Yung tayo na akala ko perpekto

Pero tama nga sila walang perpekto sa pagiging tayo

Masakit pakinggan ang mga katotohanan na nabuo nung mga panahon na kailangan kita

Kailangan kita kasi mahal kita pero hindi ko alam kung kailan mo muling masasambit na mahal na mahal kita

Kailan mo kaya maiisip na meron ako sa tabi mo nung wala sila

Meron ako sa tabi mo nung nag iisa ka

Meron ako sa tabi nung mga panahon na nawawala ka

Okay pa ba ako?

Okay pa ba ko sa sitwasyon ng relasyon natin ngayon

Okay pa ba ko na pakiramdam ko wasak na wasak na ko

Okay pa ba ko? Tanong ko sa sarili ko na datiy sobrang lakas ko

Sobrang lakas ko nung nagsisimula pa lang yung “TAYO”.