This will be a short story parang tayo. Wala nga palang “tayo”. Ikaw yung nakilala ko ng biglaan na biglaan ding nawala kasi hindi pala pwede. Why would you give signs to someone tapos sasabihin mo na lang bigla na hindi pwede. So ako heto sa tabi, tinitignan kang nakangiti sa iba. Kasi nung una yun din lang naman hiniling ko, ang makita kang masaya.

So ako na ang mag aadjust, sabi ko naman major ko na yun. Napakadaling sabihin pero hindi madaling kalimutan ka. I even thought that this is the place where I want to be pero heto rin pala yung place na hindi ako magiging masaya. Sige I’ll give you the space kasi in the first place yung mundo mong akala ko ay ako, iba pala.

Just don’t let him take away your smile gaya nung nakikita ko kapag magkasama tayo. Don’t worry. Oks lang ako. I’m always here may problema ka man o wala. I’ll be your friend na hinding hindi ka hahayaang saktan ng iba. Paalam pero hindi ako mawawala. Hindi nga lang ako yung nasa tabi mo but I’ll be the one who will stay kapag inaaway ka ng mundo mo.