Hindi lahat ng kumakatok, pinagbubuksan.
Hindi lahat ng darating magi-stay, ang iba dadaan lang talaga.
Hindi lahat ng may standards nagmamaganda, sadyang alam lang i-guard ang puso. 
Hindi rin ibig sabihin ng mga 'to na napakanegative ko na tao, 
ito'y mga paalala lang na ingatan ang puso, mula sa  mga ninjang nagtatangkang mangwasak nito.

Your heart weren’t built to be broken

Mahalin mo sarili mo, at yung taong nakalaan talaga para sayo, yung taong ipinagdarasal mo at ipagdarasal ka
makikita ang halaga mo. Hindi yan hihingi ng discount.

You should love yourself first. Don’t settle for less than what you deserve. 

 

Wag ka matakot humindi sa taong hindi kayang panindigan ang yes mo. 
Wag ka magmadali sa taong kaya kang iwan sa isang saglit.
Wag ka pumasok sa relasyon dahil lang sa nalulungkot ka, saka na pag ready ka na.
Maging masaya ka muna sa sarili mo, bago ka maghanap ng saya sa iba.
Maging anak ka muna sa magulang mo, bago ka maghanap ng ibi-baby mo.

Bago mo sabihin na "siya na", ipagdasal mo muna.
Kalma lang, may nakalaan para sayo.
Wag marupok sa mga hindi pangmatagalan.

Don’t go with someone/something who makes you feel anything less. Be gentle with yourself.

         God will send him when you’re ready, not when you’re alone.