Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Paalam na, sa lihim na nakaraan.”

PART 1: Baka Sakali

Gusto ko sanang balikan ang malawak na daanan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


na madalas kong lakaran habang ika’y nasa isipan.

Mga panahon na payapa at mahinahon

ang mundo kung saan tayo naroon.

Gusto ko lang talagang balikan at tuluyan ng tuldukan

Ang mga pangakong sa hangin ay binitawan

At nang sa ganun ay makamit na ang kalayaan

Na sa haba ng panaho’y ipinagdamot sa kamalayan.

Gusto ko na rin kalimutan ang masakit na katotohanan

Na…sa panaginip lang kita nahahagkan.

PART 2: Hibang

Naaalala ko pa nga noon…may minsang ang aga ko pang bumangon,

Asang-asa akong makakahabol…sa praktis nyo ng basketball.

Kaya lang…Nakalimutan kong isa-alang-alang

Na ang “ikaw at ako” ay ilusyon lamang.

Sa sobrang dismaya sinubukan ko na lang sumaya,

Pinuntahan ko ang kalsada…kung saan madalas kitang makita.

Aba! ano pa nga ba?! Syempre naroon ka,

Di ka nga lang nag-iisa…dahil kasama mo ang ‘yong sinta.

PART 3: Bakit, atbp…

Dalawang dekada na ang lumipas,

mula nung magpasya akong umiwas.

Lumayo ng bahagya,

para sa pusong gusto ng makalaya.

Ngunit sa di inaasahang araw,

Katahimikan ko’y bigla mong binulahaw.

Ang tagal mo rin pala akong hinanap,

ngayon mo lang ako nahagilap.

Napakadami mong katanungan, na di ko mabigyan ng kasagutan.

Isa na dyan ang tanong mong; “Bakit di mo ko sinabihan?”

Nakakalito, nakakapanibago

Kaya naman nagtanong na rin ako; “May atraso ba ko sayo?”

Sumagot ka rin naman,

Wala nga lang sapat na kalinawan.

Yun bang…parang…gusto mo lang may mapag-usapan,

kahit walang patutunguhan.

PART 4: Paalam na.

Minsan tinatanong ko ang sarili,

kung dapat ba kong mag-sisi?

Dahil sa sobrang sayo ay nawili,

Si Tadhana ngayon…sa akin ay naka ngisi.

Na tila…nang-iinsulto na,

Akalain mong kinalimutan kita,

Biglang magpaparamdam ka,

Dito pa sa panahong…di na tayo pwedeng magkita pa.

Di ko akalaing ganito ako ka-Tanga,

Nag-tanim ako ng di kaylanman magbubunga.

Sana manlang sinabihan kita…

Pero hayaan mo na…

Basta…

Paalam na…

-Miss Toni

Send me the best BW Tampal!

* indicates required