Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi man ngayon
O kaya sa susunod na taon
Ang importante
Ay sa tamang panahon

Kung saan wala na yung duda
Pag seselos ay na eh deal na
Di mo kailangan mag alala
Dahil buo ang tiwala mo sa kanya

Sa panahon na lilipas
Ikaw at ikaw parin ang pipiliin nya
Hindi dahil sa matalino at maganda/gwapo ka
Sapagkat dahilan nya lang ay mahal ka nya

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa pag bukang liwayway
Wangis nya agad ang matataw
Habang nakapikit ang kanya mata
Palihim na pinag mamasdan mo sya

Hadlangan ma ng iba
Pag ibig nyo dalawa
Hindi matitinag kailan man
Dahil si bathala ang may akda

Pag Ibig nya biyaya
Siya ang bahala
Ipanatag ang puso
Ang isip ay ipapayapa ng husto

Kailan man hindi pag hihiwalayin
Dahil pinag isa ng bathala
Tibayan ang kalooban
Huwag mahiyang lumapit sa kanya

Ang relasyon na ginugol sa panalangin
Kailan man ay hindi maninimdim
Buong tiwala mo sa taas ay ibigay na
Siya ang bahala sa relasyon nyong dalawa

Datapwat hindi mo pa sya kilala
Meron na plano kung paano kayo mag kikita
Kapag nangyari na ito
Huwag na huwag mo kalimutan mag pasalamat

Hindi man naging perpekto
Pagsasama ng dating irog mo
Hindi ka man nabigyan ng oras
Merong Diyos na subrang nag mamahal sayo

Ipanatag ang iyong kalooban
Pagiging dalaga at binata
Ay iisang pahina lang ng kabanata
Hayaan mo ang panahon ang mag dikta

Kung sa sunod na kabanata
Ay kasama muna sya
Pag hihintay mo rin ay may katapusan
Kaya ipanatag mo ang iyong kalooban

Hangad din ng Diyos na ikaw ay maging masaya
Hinding hindi ka nya iiwan mag isa
Sa panahon na malungkot ka
Hinagpis kanyang nadarama

Kung sakaling napagod kana
Sa kanya ka mag pahinga
Kausapin at pakinggan sya
Naka tadhana sayo ay naka handa na

Send me the best BW Tampal!

* indicates required