Pamuhatan

46

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Saka na lang giliw ko
Pag ang pagtingin ay buong buo
Pagkat aanhin natin ang pagtingin
Kung sa huli ay handa akong lisanin.

Ipagpaliban na muna
Pagkat ako’y pagod ng umasa
Sa mga matatamis na salitang walang halaga
Para sa tulad mong laro lang ang pagsinta.

Tila kay kulit ng tadhana
Pagkat ikaw sa akin ay ipinakilala
Ngunit bakit ganito ang naging hantungan
Nawala ka ng walang paalam.

Ilang beses na pilit kang limutin
Ngunit kahit sa maliit na bagay ay naroon ka
Na para bang anino na laging andyan
Pero guni guni o kathang isip lang naman.

Ninanis lang naman ay sumaya
Nagawa ko din naman ito ng wala ka pa
Ngunit ngayo’y tila iba
Lungkot at galit laging andyan na.

Hihinto na ba o itutuloy pa
Tila hanggang ngayon ako’y umaasa
Na balang araw ikaw ay dadating
At babaguhin ang naudlot na pagtingin.

Saka nalang maglagay ng pamuhatan
Pagkat kahit ako’y naba-blanko
Magtatagpo pa ba at itatadhana
O babalik sa uy ang simula?

Saka nalang pag handa na
Sa susunod na habang buhay kung kaya
Sa ngayon ay ako na muna
Ingat ka lagi sinisinta.