Habang ikaw ay bituin na mahirap abutin
Mga mata mo’y kumikislap kahit saan tumingin
Tinitingala at nagniningning,
Hinahangaan ng sino mang tumingin.

Ako naman ay isang hangin,
Hangin kung iyong ituring
Ano pa bang salita ang maaari kong banggitin?
Kung sa tuwi tuwina’y iiwasan mo lang din.