Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Patawad kung isip ko ay walang katahimikan.
Patuloy ang sigaw ng mga magugulong larawan.
Mga lugar na hindi ko pa kailanman napuntahan.
Na nagbibigay sa akin ng sakit na hindi ko maintindihan.

Pinipilit kong alisin pero naririto pa rin.
Pangamba na mangyari lahat ng isipin.
Sumasakit na ang ulo gusto mang palipasin.
Nauubos na ang luhang nais pahupain.

Napapagod na ako sa ganito.
Kailan ba makapagpapahinga ang pusong ito.
Ito na siguro ang isa sa mga mahihirap kong nilalapit sa Iyo.
Bakit kailangan madamay pananampalataya ko?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pag-asa sa Iyo hinuhugot.
Pero tahimik Ka kaya ako ay natatakot.
Maaari bang Ikaw na ang bahala sa gusot?
Ibibigay ko sa Iyo, hindi Ka maramot.

Ipapaubaya na lang ngayon.
Naiinip man sa panahon.
Alam ko Ikaw ang may hawak ng sitwasyon.
Diyos ko, mas alam mo ang solusyon.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required