Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sayang ang pagtingin,
kung ‘di sasambitin.

Sana’y dumating ang tamang panahon,
na ‘di mo na kailangan pang
pigilan ang damdamin
at mga saloobin na namumutawi
sa ilalim ng iyong mga mata.

Sana’y dumating ang pagkakataon,
na kaya mo nang sambitin,
mga salitang kay tagal na binibitin,
inuusal na mga panalangin sa kalangitan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sana’y sa paglipas ng panahon,
matuto tayong harapin ang mga pagkakataong,
minsan lamang dumarating sa ating buhay
kahit ‘di sigurado sa kalalabasan.

Sana’y dumating ang panahon,
na ang ating mga mata ay ‘di na takot magtagpo,
buong tapang na haharapin at bibigkasin,
mga salitang inuusal sa hangin
at pag-ibig na ninais dinggin.

sana nga’y di masayang…

at manghinayang sa huli.

Sayang

Send me the best BW Tampal!

* indicates required