Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Noong unang masilayan ka

Mundo ko’y masigla

Puso ko’y nag-iba

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


sa tuwing nakikita ka

 

labis ang kaligayahan

nang ika’y makilala

naging magkaibigan

nagkalapit,nagkaunawaan,

 

Sa tagal nang ating pinagsamahan

damdamin ko’y di napigilan

tumibok itong munting puso

Na sa iyo lamang nakatutok

 

Mata ko’y kumikinang

sa tuwing ika’y natatanaw

at ang tanging hiling

na sana ika’y makapiling

 

Tinanong sa sarili,

ano ba ang nangyayari?

bakit di mapakali,gustong nasa tabi kita lagi?

 

Aking napagtanto,

Nagmamahal na nga ako,.

sa iyo nang todong-todo,

 

Binigyang halaga

lahat ng kilos at gawa

umaasang ikaw na,ngunit nagbago ka bigla

 

Inamin sa akin

na may isang dilag na umangkin,

nang puso mong bitin

sa pagmamahal nang isang bituin,

 

Lahat ng akala,aking pinagtama

nasabi sa sarili,ako ba ang tinutukoy

nang iyong labing mapang-api?

 

Ngunit mundo ko’y nagiba,nang sinabi pangalan nang iba,

puso ko’y nabiyak,mata ko’y lubog sa kaiiyak,.

 

Hindi ko mawari

na iba ang nagmamay-ari,nang puso mo,giliw

na akala ako ang aliw,

 

Ngunit aking naisip

na di dapat sumuko

maging matibay sa lahat ng pagsubok,

 

Nagising ako isang umaga,

iba na aking nadarama,

naka “move-on” na talaga,

ang puso kong minsang naging tanga,.

 

kahit masaktan nang paulit-ulit

alam ko ang dapat na gawin

dahil sa unang pagkakataon,nagmahal ako nang labis.,.

 

Naibulong sa sarili

na kahit anong mangyari,

may magmamahal sa akin

di ko lang yata napapansin,.

 

At sa huli,

aking hihintayin,

ang taong para sa akin,

Na alam kong aking mamahalin

at ako’y lubos nyang IIBIGIN :))

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required