Sumugal ako sa pustahan
Na hindi ko naman alam ang kahihinatnan
Lalaban ako ng walang pag aalinlangan
Papunta sa direksyong walang patutunguhan
Tila’y naging seryoso sa pagkakataong ito
Na hindi alintana ang kahit sino
Maski kaibigan ay tila tinalikuran ko
Makasama at makausap lang ang taong mahal ko
Hanggang sa dumating ang nakatakdang panahon
Na magsasalita at aaminin nang mahinahon
Ako na lang pala ang may gustong mag ahon
Sa isang relasyong tinangay ng malakas na alon
Salamat sa kakaunting panahon na nagkasama tayo
Naramdaman ko ulit ang magmahal ng ganito
Isang bagay ang natutunan ko
Ang sumugal sayo kahit alam kong ako ay talo