Isa tayong kanta,
Isinulat ng maayos kada talata,
Kasama na ang magagandang salita,
na binabanggit ko sa bawat nota ;

Kantang tila isang salamin,
na nakakahila ng damdamin.
Mas lalo itong lumalalim,
sa panahong madilim ;

Isa tayong musika na piniling ilikha,
Pupunasan ang bawat luha,
Dahil sa ngayo’y ikaw ang siyang taga-sulat,
at sa pamamagitan ng mga tula ko’y, ako ang siyang magsisilbing taga-ulat ;

Musikang di alam kung hanggang kailan tatangkilikin,
mananatili bang patok ang musika natin?
O kasabay nitong mababaon,
ang mga salita mong binitawan sa di tamang panahon.