Alam mo Yung pusa may siyam na buhay lang.
Yung fudgee bar walong piso lang sa tindahan
Samantalang sa isang linggo ay may pitong araw lamang.
Ang pamasahe sais pesos lang
Pero Singko.. lang ang meron ako
Kwatro kantos gin pa ang gustong bilhin ng mga tropa.
Tres nalang di ko na alam.
Dalawang numero nalang matatapos na tong kagaguhan.
Sa puso ko, Ikaw pa rin naman ang number one.
Pero sa pangsampu feelings mo sa kanya ay unti unti mo ng pakawalan.
Nawa’y maging malaya ka na sa sakit ng hindi pagtanggap.
Hindi na. Hinding hindi susuklian kailanman
Piliin at pilitin mo ng maging malaya.