11 things I learned in love

I’ve been in the dating game for 8yrs now. Yes yes i know I started early for my age. Hehehehe (Mga judgemental ha!!)

But i know that I wanted something real & genuine kahit nung 15 years old pako nun, something that would last, Im not into casual hook ups, landian, text text lang, momol mate or whatever they call it.

I was a different person before, Siguro by the way I treated relationships or the way i acted and the way I love, since bata pa nga so u know, iba talaga di masydo matured but I learned from it naman and whatever shortcomings or mga wrong decisions ung nagawa ko sa past, I make sure na I won’t do it again (ofcourse with the grace of God, so please help me God)

Okay, so back to the topic. What did I really learned?? Hmmm 🤔

 

NO. 1

 

So totoo pala ung nababasa natin sa Facebook na “Not everyone has a heart like ours” akala ko kasi dati arte lang yun. But totoo pala talaga yun!! 🤕

 

NO. 2

 

I learned that hindi ibig sabihin na the “situation” doesn’t do you good or di ka masaya with the so called situation, eh basta basta nalang mawawala yung situation na un, minsan you just have to endure everything and just STAY. Tiis lang, makakaraos din (Pero hanggang saan? Oo na alam ko may mag gaganyang tanong). Totoo nga ung sabi ni Toni Gonzaga, na hindi lahat ng gusto mo masusunod. Hindi ibig sabihin na di suitable sayo ung situation eh mawawala na un agad kahit pag usapan pa and all, kelangan mo harapin ang sampal ng mundo sayo ang mapait na katotohanan na di ka makakawala jan, tiis nga db. (Ang hirap no!) In short mag paka dakila kang gaga.

 

NO. 3

 

I also learned that people will not do the same thing that you’re doing for them. (REALITY SLAP GUYS) Yes this is so true at may kurot parin to sa heart ko. Huhuhu! Who wouldn’t feel hurt db, all out ka, go go go, tas pag ikaw na nga nga na. Well, life is unfair. We all have to accept that fact 🖕🏻

NO. 4

 

Hindi all the time malalaban mo ang point mo kahit na alam mo sa sarili mo na etong point na nilalaban mo ay pwede ilaban sa senado sa sobrang bongga, pero para sa jowa mo pointless ito. (Aminin! Wag mag inaso ha)

 

NO. 5

 

  • There are times that you wouldn’t feel important. 💔

YES! Trust me this is true. I just hope you guys haven’t felt this yet ah. May times talaga, I swear! Na parang bakit ganun, hindi naba ako importante, bakit ganun? Dati naman ginagawa niya to. Dati naman nung una palang may paganto siya ngayon wala na. & you just wouldn’t feel that you’re no longer a priority. At dahil isa kang STRONG INDEPENDENT WOMAN eh kakayanin mo yan (kasi wala pakong mashashare about overcoming this)


 

NO. 6

  • YOU WILL BE THE MEANEST PERSON TO YOUR PARTNER 😈

Ay oo totoo to promise. Sa iba nice ka, kaya mo palagpasin. Pero bakit pagdating sa partner natin, grabe tayo? Aminin ha wag mag paka angel. Grabe tayo magalit, mainis etc kahit na ayaw naman natin maging mean sakanila. Well narealize ko na pag malaki ang effect satin ng tao malaki din ang galit natin sakanila. HAHAHAHHAA. De joke! Pero db pag malaki ang epekto satin ng isang tao, lahat talaga apektado tayo even the SIMPLEST things. So ayan, na explain ko na ha. Kaya siguro ang OA natin pag nagagalit or nahuhurt.


 

 

 

NO. 7

 

Minsan yung mga importanteng bagay na nilalaban natin, lulunukin nalang natin para sakanila. Oh yes you read it right. Minsan may mga bagay na kelangan natin it let go para lang ma-maintain lang yung peace sa relationship. Yung mapapa isip ka, ano ba ang mas importante? Yung nilalaban ko o yung relationship? (Taray neto ha kala mo talaga matured eh)

NO. 8

 

  • Loving is tiring sometimes. 

Oh wag na tayo paka plastik ha. Totoo naman, nakakapagod minsan mag bigay, mag pasensya, umintindi, mag mahal, magpakumbaba. Basta lahat yan. IT’S TIRING!! Lalo na pag we don’t feel na na-rereceiprocate ung binibigay natin. (i knerrr) But what I really learned is that know and learn when to rest (rest as in hinga ka lang saglit, manahimik ka ganon, di ko sinabing i-break ha or icool off, more on alone time, or matulog ka ganon) kasi ako pag natutulog nako kinabukasan parang ready nako ibigay ulit yung mundo. (in short tapos na ung pag iinaso mong pagod ka na)

 

NO. 9

 

  • Give & Take

Super cliche na yang saying na yan, but it’s true. Ang hirap naman kasi bigay ng bigay tas yung isa sige ang saya mag take. Kawawa naman yung isa ginawa mong baka na ginatasan lang tas proproduce nanaman ulit siya tas pipigain mo nanaman. HAHAHAHAHHAA. But you guys know what I mean. Give & Take, wag tayo greedy. Kakaloka. Pero aminin ang sarap mag give ng mag give, alam na natin talaga ang feeling ng mga bading. Feel ko giving is way better that receiving, BUT it feels good din naman na mabigyan paminsan minsan. (Alam niyo na yan malaki na kayo)

 

NO. 10

 

  • Compromise

Taray! Big word. Ayon kay google, compromise means.

  • An agreement or a settlement of a dispute that is reached by each side making concessions.

“an ability to listen to two sides in a dispute, and devise a compromise acceptable to both”

synonyms: agreement, understanding, settlement, terms, deal, trade-off, bargain; More

  • Settle a dispute by mutual concession.

“in the end we compromised and deferred the issue”

synonyms: meet each other halfway, come to an understanding, make a deal, make concessions, find a happy medium, strike a balance; give and take.

  • Accept standards that are lower than is desirable.

Oh ayan ha! Sinearch ko talaga kasi di ko naman alam meaning nyan. Hahahaha!

Sa madaling salita. Adjust adjust din tayo. Odb ang dali iexplain pero ang hirap gawin.
Gaya nga ng sabi ni Alexandra De Rossi sa movie na 12.

  • “There’s only one way, always your way, always your timing, always your comfort. Nasaan ako dun ha?” 
  • “Alam mo kung ano talagang kelangan ko? Support. That you keep your word or that you’re here or that you hear me”
  • “But you can’t be in a relationship and just think of your own comfort”


Isa lang narealize ko, mas malalim pa sa balon na hinulugan kay Sadako ang hugot ng director neto. Chos!

Kidding aside (Taray!) mahirap naman talaga maging one sided, yung tipo sa dami ng sinabi sayo ang maiisip mo lang sarili mo parin. Be a team player kumbaga.

When you’re in a relationship, may TAYO na hindi lang puro IKAW. 

 

 

 

NO. 11

 

  • Always choose love (If it’s worth it & If you think you found the right love)

Love can be stressful, with the issues and endless fights. Kaloka diba.

BUT! Always choose love, It can be messy and hurtful sometimes. Well sabi nga nila “Its not love if its not crazy” (unless nalamg binubugbog na kayo ha pls lang let it go sabi ni Elsa)

Hindi naman siguro araw araw makakita ka ng taong mag mamahal sayo at mag aalaga ng sobra sayo. 😉

So just love & give as much as you could. At the end of the day, naubos ka man atleast you gave everything you have, and I’m sure lahat yun ibabalik sayo ng tamang tao 🤗


Okay na tapos na, nashare ko lang.

Disclaimer: Wala akong hugot. Masaya naman ako. naishare ko lang naman ang expi ko. Baka kasi makatulong ang mga inarte ko. 

-X

Exit mobile version