21 Lessons From My Father

  1. Life is tough. Life is unfair. Kailangan kong sipagan at tapangan. “Nak, ganyan talaga mahirap.”
  2. Ang hindi magtrabaho, hindi kakain. “Bawal ang tamad dito ha.”
  3. Kainin kung ano ang ihain. Be grateful. “Feeling mo mayaman ka ha?”
  4. Take care and protect my siblings kahit ang sarap nila sapakin.
  5. Don’t spend beyond my baon. Pagkasyahin yung budget ko sa isang linggo.
  6. Umuwi ng 6pm.
  7. Maglaba ng sariling underwear. “Ano yan, papalaba niyo pa ba yan sa iba? Mahiya kayo.”
  8. Maiintindihan ko rin daw ang mga sacrifices nila pag ako naman ang nagka-anak.
  9. Im free to do whatever I want pero wala akong kawala sa mga consequences ng decisions ko.
  10. Wag isak-isak ang 110V sa 220V. If I don’t have the capacity, work hard to increase my capacity. Forcing it will not work.
  11. Isa-isa lang. Date one at a time.
  12. Laging magtabi ng emergency fund. Learn from ants, it stores its provisions in summer and gathers its food at harvest.
  13. Isuli yung mga hinihiram kong gamit ng maayos at malinis.
  14. Di naman masamang mabuhay ng mahirap, ang problema lang mamatay akong mahirap dahil sa kapabayaan ko.
  15. Be the kind of man I want my daughter to marry someday. (that hits me hard)
  16. Magbigay ng tip na masisiyahan ng sobra yung tatanggap.
  17. Safety first. Gumamit ako ng signal light dahil wala naman daw telepathy yung ibang drivers. “Ano kayo mind-reader?”
  18. Di kailangan guwapo ka, dapat wise and witty ka!
  19. Pagipunan ang mga bagay na gusto ko bilihin. Wag mangungutang.
  20. Don’t make friends with quick-tempered people.
  21. May awa ang Diyos.

By boilingwatersph

Tatampalin kita ng katotohanan at pag-ibig

Exit mobile version