A Slap of Reality

                 Minsan sa buhay natin may makikilala tayo na isang tao na magpaparamdam satin kung gano tayo kahalaga. Hahayaan mo na pumasok siya sa buhay mo, pagkakatiwalaan mo ng buong buhay at pagkatao mo. Sa simula aakalain mo na kaibigan mo lang siya pero hindi mo alam unti unti nahuhulog ka na pala. Very common scenario ika nga nila. You’ll start as friends and one of you will fall. Ika nga nila ang maunang mahulog talo.
Ang yabang mo pa dahil tatawanan mo lang yung mga katagang yun.
                “Ako? mahuhulog sa kaibigan ko?isang malaking kalokohan!” Yabang eh noh. Pero sa bawat pagtanggi na namumutawi sa labi ay siya naman saya ng puso mo kapag kausap at kasama mo siya. The mere fact na andyan siya lagi. Na sa tuwing may problema ka siya yung takbuhan mo. Sa kanya mo iniiiyak lahat ng sakit at lungkot na pinagadaanan mo sa buhay. At sa tuwing masaya ka, siya agad yung hahanapin mo para mas maging makatotohanan yung saya na nararamdaman mo.
             Ngunit hindi habang panahon andiyan siya. Paano kung siya naman ang kailangan sumaya? Panu kung yung saya mo na kasama mo siya ay ganun din pala yung saya nya na nararamdaman sa iba? Ang sakit diba? Kung kelan nahulog kana, saka mo malalaman may mahal na pala siya. At dahil kaibigan ka nya, ikaw yung unang sinabihan nya. Ang sakit diba? Uulitin ko, ang sakit?! Kasi kailangan mo maging masaya para sa kanya kahit alam mo nasasaktan ka. Sana ako nalang…bakit hindi nalang ako..mga katagang naglalaro sa isipan mo. Hindi mo alam paano magmomove on lalo na at hindi naman naging kayo. Nahulog ka lang kasi, pero iba ang sinalo nya. Alam nya kasi na kaibigan mo lang siya.
              So pa’no ngayon, edi nganga ka? Pagkaibigan kasi, kaibigan lang. Dahil yung kwentong telenobela 50-50 lang yun sa reyalidad. At pag umamin ka, ma-friendzone ka lang. Double kill!! Ika nga sa ML. Worst is, baka ikasira lang ng pagkakaibigan nyo at layuan ka niya. Edi Savage na.
Last mo na’to. Matuto ka na. Masakit manampal ang reyalidad.

 

“Not all love starts in friendship. And not every story has a happy ending.”

Published
Categorized as Friendship

By jeanezee

Silence keeps me...

Exit mobile version