Nakakapagod din pala
Ang mag mahal ng mag-isa
Na ang babaeng inakala
May mahal palang iba
Laman ka pa naman
Ng bawat panalangin
Ngunit puso’y may laman
Hindi ko lubusang akalain
Kung kailan na ‘ko handa
Kailangan kong maghanda
At kailangang tanggapin
Na hindi ka sa akin…
Susuko na ba? O lalaban pa?
Lalaban pa ba? Dahil sumuko ka na.
Hindi na ako mangungulit pa,
Basta mahal kita!