- Nung mga oras na sinabi kong tama na, ayoko na
Akala ko kaya ko na
Akala ko kinaya ko na
Kasi nasabi ko na eh
Pero bakit ganto?
May sakit pa din pala
Sobrang sakit pala - Sabi ko sa sarili ko
Para din naman sakin toh eh
Para sa susunod na taong mamahalin ako
Mamahalin ko
Para sa future ko
Pero bakit ganon?
Ikaw pa din inaalala ko
“Pano sya?”
“Masaya ba sya?”
“Masaya na ba talaga sya?”
“Di nya na ba ako kailangan?”
“Wala na ba talaga?” -
Nung tinapos ko sabi ko di ako lilingon
Di ako magiging marupok
Pero grabe maglaro ang tadhana
Lahat ng dadaanan ko naaalala kita
Kwarto ko
Sa sakayan ng tricycle
Sa labas ng opisina
Pati pagsisipilyo! -
Tandang tanda ko pa rin ang lahat
Tanda ko pa kung pano moko niyakap
Kung pano mo sabihin ang pangalan ko
Kung pano tayo magaway
Kung pano din tayo magbati
Kung pano mo halikan amg noo ko bago ako umuwi
Tandang tanda ko pa
Tandang tanda ko rin kung pano ka nanlamig
Kung pano ka unti unting nagbago
Kung pano ako unti unting napalitan sa buhay mo - Dati nakakaya mong kausapin ako kahit may ginagawa ka
Chat man or text, ikaw ang nagkukusa
Dati hinahanap mo pako
Tinatanong kung kumain nako
Dati nagagawa mong humingi ng lambing sakin
Na para bang batang nagpa-puppy eyes mabigyan lang ng candy.
Dati ganun ka
Pero ngayon, hindi na - Sobra mong pinaramdam sakin na mahal mo ako
Kahit hirap kang sabihin sakin toh
Kasi sabi mo di ka pa handa.
Masyado pang maaga.
Pero binaliwala ko yon
kasi sabi ko mahal naman kita
Sapat na yon sa ngayon.
Kinaya ko ng dalawang taon.
Pero tao lang din naman ako.
Napapagod. - Ilang beses na natin sinubukang tapusin
Ilang beses din nating binalik.
Ilang beses nating sinaktan ang isa’t isa
gamit ang mga masasakit na salita.
Ilang beses na din kitang blinock and in-unblock.
Ilang beses mong pinaramdam sakin na wala na
Pero ilang beses mo din sinabing miss mo nako, kaya pa. - Nakakainis
Kasi sa lahat ng dulo na naabot natin
Wala kang ibang bukang bibig kundi
“malay mo tayo rin sa huli”
Sobrang sakit para sakin non
Kasi kung tayo nga, bat sa huli?
Bat di nalang ngayon? - Oo. Alam ko.
Kasalanan ko kung bakit ako napagod
Kung bakit ako nadurog
Alam ko yon
Di ko naman sinisisi sayo
Lahat yon ay kusa kong ginawa
Kasi wala naman akong ibang hinangad
kundi ang mapadamang mahal kita at sana, balang araw
matutunan mo rin na ako ay mahalin
Kaso nalalabuan nako
Kasi pagod na rin yung pusong nagsabing kaya nya
Akala nya kaya pa
Akala nya sapat na
Akala nya may pagasa pa
Ganun naman kasi sa pagmamahal diba?
Bigay lang ng bigay. Wag na magsukatan. - Pero mali ako
Natutunan ko yon sa napakahirap na paraan
Kinailangan na mapiga ako
Para lang matauhan na wala talagang tayo - Naisip ko, kailangan ko nang umusad, tumayo
Kasi kung hindi, pano nako?
Nakakaawa noh?
Nakakaawa yung taong sumulat nito.
Pero lilipas din toh
Lilipas din ang mga akala ko.