Akala mo Walang Hanggan pero may Dulo.

“And they lived happily ever after”. The END.

“HAPPY ENDING”, diyan tayo sinanay nina Cinderella, Sleeping Beauty, Power Rangers, Voltes V. Yung sobrang tagal na tira ni “Boy Labo” sa Slam Dunk, at marami pang iba. Meron din namang “SAD ENDING”. Nung namatay si Heneral Luna at Goyo. Mga movies ni Nicholas Sparks. Nung bumalik na si Kokey sa Planetang Yekok, “Yung hindi naging kayo”, at siyempre meron ding “Naging kayo pero hindi hanggang dulo.”

Dito sa mundo lahat may dulo. Hindi mo lang alam kung hanggang saan, kailan at bakit?

Akala mo nung mga masasayang araw niyo, wala ng katapusan. Yung tipong sana ganito na lang palagi. Laging may date(wala namang pera). Travel(lagi namang naliligaw). Holding Hands sa may kanto(Pasmado naman). Picnic sa Park(Tapos umulan bigla). Nangangarap ng puro pangarap(Ganun ka). Ganun talaga napapala ng mga taong lutang. Nilamon ng sistema ng “Peg-ebeg”.

Sa mga masasayang araw niyong yun, magugulat ka na lang. Mabibigla. Titigil ang mundo dahil hindi mo inaasahan na dumating na ang dulo. Malalaman mong pag nasa dulo na kapag narinig mo ang mga sumusunod:

“Hanggang Friends lang tayo.” (Sakit brad!)
“Hahanapin ko lang ang sarili ko.”(Akala mo talaga nawala, meron palang iba.)
“Pagod na ako.” (Wala ng pera yan- lalaki/Nagsawa na sa pagmumukha mo-babae)
“Siya nga pala si_______, Boyfriend/Girlfriend ko.” (Iyak na)
“Suko na ako.” (Akala mo may World War III)
“Sabi ni Lord, hindi raw ikaw.”(Dinamay pa si Lord)
“Hindi kita gusto.” (Choosy)
“Hindi na kita mahal.”

Napakasakit sa tenga pakinggan ng mga katagang yan. Hindi mo alam gagawin mo, iiyak ka ba o magagalit sa sarili mo. Di ka na makakain ng maayos. Isang beses sa isang linggo ka na lang naliligo. Makikinig ng mga heart broken songs. (SilentSanctuary yan for sure). Magsesenti sa ulan at hanggang dumating ang araw, buwan at taon. Hindi ka pa rin makamove-on.

Yan ang sakit ng karamihan. Hirap makamove-on. Akala nila walang hanggan, pero may dulo. May dulo rin yang pagmomove-on mo. Yakang-yaka mo yan. Kailangan mo lang maintindihan na ang lahat ng nandito sa mundong ito, mawawala. Relationship man yan, kasal o hindi kasal, boyfriend or girlfriend, friends,family, memories at mga bagay na ayaw mong mawala, mawawala rin yan. Yang sakit na nararamdaman mo ngayon, mawawala rin yan pero hindi naman lahat instant.

Sabi nga ng advertisement ng Sensodyne, “You have to endure the pain”. and it is worth enduring for, dun ka kasi matututo. Walang tips kung paano magmove-on. Nasayo lang ang sagot. Moving on is a decision, hindi siya choice.

“WALANG FOREVER” sa mundong ito. You can make memories pero lahat may dulo. Masasabi mong nakamove on ka na, kapag hindi mo na iniisip kung paano magmove-on.

You can do it! Don’t lose hope.

Exit mobile version