Aking Panalangin

Maraming bagay ang bahagi na ng ating buhay.
Ito man ay tungkol sa mga pagkabigo at tagumpay.
Dapat natin itong ipagpasalamat pagkat, ito ang mga bagay na sa atin ay nagpapatibay.

Maraming beses man tayong nadapa at nabigo.
Di tayo dapat sumuko.
Sabi nga ng Diyos, “Kasama niyo Ako”.
Kasama natin Siya san man tayo magpunta.
Lumayo man tayo ay sa Kanya tayo’y hinihila.

Karamihan sa atin ay sa pagibig nadarapa.
Matagal na panahon na rin nung huli akong nagkaroon ng nobya.
At nung mga nakaraang taon lang nung ako’y may nakilalang dalaga.
Ngunit tila hindi kami iyong tipong tinadhana.

Minsan ko kasing ginawang diyos ang isang dalaga.
Sa pag-ibig noon ako ay tila umaasa.
Kaya ayon ay di ko na alam aking nadarama.
Puro nalang kaba at takot na siya ay mawala.
At masira pa ang pinagsamahan naming dalawa.

Sa panahong nakilala ko nga ang Diyos.
Ngunit may iba naman akong tinuturing na diyos.
Karamihan sa kinikilos ko’y ginagawa kong maganda kung nandiyan siya.
Nagpapakitang mabuti akong tao pag siya’y kasama.

Tila iniisip kong kaya ko siyang makuha sa aking mga gawa.
Mga gawang puro naman pakitang tao lang sa kapwa.

Ilang buwan na din ang nakalipas ng narinig ko ang salitang “NO” galing sa kanya.
Ay, oo nga pala. Sabi niya ay di kami sa isa’t-isa.
Iba kasi pag ang babae ay nagdarasal ng kanyang mapapangasawa.
At ako naman itong nagdarasal lang na magustohan niya.
Pero, halos kilos ko lang puro ang ginagawa kong basihan.
Halos makalimutan kong idasal kung siya nga ba o kami nga ba sa isa’t isa.

Pero tapos na yun at dapat nang umabante.
Ngayon ay gusto kong itama ang aking mali.
Gusto kong ipasa-Diyos na itong nagugustohan kong babae.
Ay, bago nga pala ito at di na yung dati.

Kaya aking panalangin na sana magkita na kami.
Matagal-tagal na rin noong huli ko siyang nakitang ngumiti.
Yung kaharap ko siya at kita ko yung namumula niyang pisngi.
Ang layo na niya kasi.

AKING PANALANGIN na siya ay gabayan.

AKING PANALANGIN na pareho kaming lumalaban sa ano mang itatapon ng kapalaran.

AKING PANALANGIN na siya ay laging tumatawag sa Maykapal kung nangangailangan.

AKING PANALANGIN na pareho na kaming binubuo sa ano mang aspeto.

AKING PANALANGIN na pareho kaming nag-iingat at naalagaan aming mga puso.

AKING PANALANGIN na pareho kaming maghihintay sa Diyos kung kailan kami ipagtatagpo.

Exit mobile version