Minsan dumadating yung panahon na napapa-isip ka, “bakit nga ba sila lumayo? Bakit bigla na lamang nagbago ang lahat? Bakit parang naiwan ako sa ere at mag-isa na lamang ngayon?”
Sasagi sa isipan mo, masama kasi silang kaibigan, hindi sila totoong mga kaibigan, ginamit lang nila ako, wala silang kwentang kaibigan…
Ang hindi natin napagtatanto, masyado tayong naging focus sa “ako”. Sa kung ano ba ang pakinabang ko. Sa sarili kong mundo…
Na kapag nawala na ang isa o mga bagay o tao sa buhay natin ay duon pa lamang natin nakikita ang halaga nito/nila.
Hindi sila ang nagbago…ikaw!
Sa mga panahon na naging masaya ka, nakalimutan mong may mga tao sa paligid mong maaaring nagbigay daan sa sayang naranasan o tinatamasa mo. Kaya sa panahong nawala na ang saya at napalitan ng lungkot o kaya naman pagdurusa ay duon mo lamang napansin yung mga bagay or tao sa paligid mo.
Ganoon pa man, kung tunay ang pagkakaibigan na nabuo ninyo, hindi naman iyan biglang mawawala.
Maaaring magkapatawaran. Maaaring may magbago. Maaari din namang mas maging matibay pa ang pagkakaibigan ninyo.
Walang perpektong samahan. Basta’t marunong magpakumbaba, magpatawad o humingi ng tawad, mabubuo at mabubuo parin ang wagas na pagkakaibigan.
Hindi man forever, maaari namang for a lifetime.