AKO LANG BA SUPER DELAYED NA SA LIFE?

Hello readers! I want to ask advice lang sa current life ko ngayon kasi sobrang gulo na eh at kung desisyon ko naman ung masusunod, feeling ko naman ang selfish ko. I just turned 24 years old, nag stop ako sa 4th yr college sa kurso ko for 2 years na and almost 3 years na at wala pa ding nangyayari sa life ko as in LEGIT. Wala akong work, nasa bahay pero tumutulong ako sa household chores, at sa munting tindahan ng mama ko. Anim kaming magkakapatid at nakatira kami sa maliit na bahay kaya ang hirap gumalaw. Sa loob ng 3 years, nalibang ako sa paglalaro ng ML at nasubukan ko din mag-sign in sa mga dating sites at marami akong nakilala online, red flags and green flags. Habang naghihintay ako sa announcement ng university ko, dun ko nabaling yung atensyon ko sa paghahanap ng libangan. Isa syang 40 years old na AFAM, mayaman na bussineman sya, gwapo na pero medyo red flag dahil may nangyari na pero para sa kanya getting to know each other lang yun. Galing kasi ako sa medyo conservative na family at di sila sanay sa mga malalaking pagbabago lalo na pag di ka pa nakakagraduate, ang daming bawal kaya naman 24 na ko at wala pa ding jowa, di pa rin pwede umuwi ng madaling araw at di pa rin pwede magtrabaho. Diba ang gulo? Di ko  na talaga alam kung san ko pa ilalagay ung sarili ko sa mundo na meron ako. Tingin pa rin kasi nila sa akin 18 years old eh. At ako naman, alam kong marami akong magagawa pero di ko sinisumulan dahil sa mga taong nasa paligid ko. Di ko rin mabili yung gusto ko at marami pang iba. Sobrang delayed na ko sa life at tanging naiisip ko ngayon ay sumama sa AFAM ko, inaalok nya kasi ako tumira kasama sya sa nirerentahan nyang bahay sa Angeles for 6 months at kakabukas lang din kasi ng business nya dun. Nakahanap ako ng reason para payagan ako ng parents ko na sumama sa kanya dahil yung parents ko is namomoblema sa pag-uutangan para sa pagpapagawa ng bahay dahil malaki ung interest ng bangko at bilang anak na gustong umambag kahit papaano, naisip ko ung AFAM ko na tumulong sa amin na sa kanya mangutang dahil bussinesman naman sya at for sure, hindi sya magbibigay ng malaking interest dahil nagde-date kami. Sinabi ko yun sa kanya at mukang okay naman yun sa kanya. Sa paraan na to, maiintroduce ko pa sya sa family ko at di ko na sya kelangan itago na nakikipagdate ako. Di ko masasabing mahirap kami pero may kaya na, nakulangan lang talaga sa ipon sa pagpapagawa ng bahay at sa tingin ko, practical na desisyon yun dahil iniiwasan ng parents ko na gumastos ng malaki at kapag tinigil ung construction, may posibilidad na masayang ung ibang materyales. Sa totoo lang, di ako sinasali ng parents ko at dalawa kong ate sa usapan ng bills at pera dahil alam nila na di pa ako tapos sa pag aaral. Pero inaamin ko mahina utak ko pero bawi naman ako sa ganda at katawan pati na rin pakikipagsocialize kaya hanggat maaari, gamitin ko na.  Sana matulungan nyo po ako makapagdecide. Thankyou.

Exit mobile version