Alam ko

Alam kong dadating. Dadating ang panahon na unti-unti akong mawawala, maglalaho.
Sa paningin mo, sa puso mo, sa isip mo.

Sinabi ko na ito noon, bago pa tayo mahulog sa patibong ng puso.
Pero kahit ganon minahal pa rin kita ng buo, masakit man, hindi ako susuko.

Malayo ka, may kasamang kang iba, pero nangako tayo sa isa’t isa.
Na mamahalin, aalagan, hindi magtatalikuran.
Kahit na alam kong hindi ito patas, ikukulong ko ang sarili ko sa iyong mga rehas.

Sinasabihan na ako ng kung anu-anong masasamang salita. Kasi kahit ako sinasabi ko na.
Hibang, wala sa sarili, walang katuturan, itigil mo na.
Pero lahat to pinadaan ko lang, iniyak ko at pinili pa rin kita.

Ang gulo, nakakabaliw, nakakaiyak, nakakalito pero kahit ganon handa ako itapon at ibaba ang buong pagkatao ko.

Kaya sa palagi mong tanong na sana’y nasagot ko. Na sana’y tumatak sa puso at isip mo.

Ito ang halaga mo.

Exit mobile version