Alam niyo ba kung bakit?

Alam niyo ba kung bakit maraming nasasaktan?

Alam niyo ba kung bakit maraming umiiyak?
Bakit maraming broken hearted?
Bakit maraming bitter?

Kasi hindi sila makapaghintay.

(Wait… Wag kang magmalinis, author. Ganyan ka rin nung rupok days mo.)

Ulitan. Oo hindi TAYO nakapaghintay.
Sa sobrang tagal na ng taon na single tayo, (siguro yung iba pa nga paalis na sa kalendaryo NBSB or NGSB pa rin), hindi naman talaga maiiwasan magtanong kung nasaan na si The One, kung darating pa ba siya, kung dumating na ba pero napalagpas lang?

Minsan, sa tindi ng paghahanap natin kung sino na lang dumating pwede na. Okay na, pasado na kahit wala naman talagang ginawang screening. Mema lang, memasabing jowa. Masyado tayong nagmamadali makahanap ng partner kaya nakakapagpapasok tayo ng maling tao sa buhay natin. And ang result? DISASTER! Iiyak, hindi kakain, may iba pang hindi naliligo (hindi ako yun), dahil sa sobrang sakit ng break up.

Oo kasama na ng pagmamahal ang masaktan, pero hindi naman dapat natin mararanasan ang klase ng sakit na yan kung natutunan lang natin ang maghintay kahit pa kasing tagal ng paghihintay ni Abraham. May tamang oras at lugar para sa mga bagay bagay. At higit sa lahat, may tamang proseso. Siguro gusto ni Lord mag matured muna kayo pareho bago kayo ipakilala sa isa’t isa para kapag pinagtagpo kayo, alam niyo kung paano ihahandle ang isa’t isa na syempre dapat center si Lord ng relationship niyo.

Wag madaliin ang pagmamahal. Dahil ang sumusugod nang may gatas pa sa labi, pag natisod malakas ang nagiging hikbi.

Exit mobile version