Alas dose.

Siguro, inaantay mo din ako,

Siguro, tumitingala ka din kay Bathala at nananalangin,

Siguro, puno din ng pagmamahal ang malaki mong puso,

Siguro, katulad ko, inihahanda mo din ang iyong sarili, sa pagtatagpo natin,

Sana ay ipinagdarasal mo din ako,
Sana ay, di ka rin susuko,

Dahil nandito lang naman ako,
At alam ko, nandiriyan ka lang din naman,

Kung sino ka man,

Kung nasaan ka man,

Kung kailan man..

Published
Categorized as Poetry

By Lorelie Ann

Destined for greatness. 💖

Exit mobile version