“Bakit nung nasa talking stage kami gusto niyo raw ako pero never niya ko niligawan?”
Alam mo ba na sa gitna ng mundo ng mga single at taken ay may invisible line para sa mga taong ginusto pero never pinursue? Kaya siguro kahit ilan beses mo hanapin ang lugar mo sa buhay ng isang tao ay hindi mo mahanap sapagkat nandun ka sa invisible line.
Pupusta ako… hindi mo rin alam kung bakit ka napunta diyan, right? Simple lang…
Late night talks with emotionally unstable person brought you to the invisible line para sa mga taong ginugusto lang pero never pinupursue.
Masyado ka naging extra at consistent. Mabenta ang scenario na ito lalo na sa mga nasa talking stage pa lang. Tandaan mo na magkaiba ang gusto ka makausap sa gusto ka makasama.
People tend to like your sweet words and consistency but not your existence… Masyado lang sila uhaw sa good morning at goodnight na madali nilang nakuha sa’yo.
Minsan kailangan lang nila ng support system pero hindi ikaw yung mismong makina na nagpapaikot sa mundo nila.
Lahat nag extra binigay mo na. Extra sa consistency, extra sa oras, extra sa effort at extra sa kung ano pa man. Masyado mo ginalingan, yan tuloy ginawa ka lang din niya extra sa buhay niya.
Kung hindi na nag work ang Plan A sa last person baka siguro kailangan mo na subukan ang Plan B sa next person. Planuhin mo na ang escape plan mo para makaalis ka sa invisible line. Huwag mo naisin mag move forward kung nasa same game plan ka parin na minsan ka na dinala sa maling lugar.