Naging makakalimutin na ata ako.
Naging makakalimutan simula ng mag hiwalay tayo
Tayo na dati ay usap usapan ng mga tao
Mga taong puro tanong kung bakit at paano naging tayo?
Nakalimutan ko na kung paano mo ako titigan
Tinitignan habang hindi ako nakatingin
at sa aking pag tingin iiwas ka na wari ba hindi sinasadya ang mga sulyap,
mga nakaw na sulyap na lihim na nagpapatalon ng puso ko.
Ang puso ko, ang puso kong unti unti mong binihag ng hindi ko inaasahan ng hindi mo inaasahan…
Hindi ko lubos maisip na sa dinami dami ng tao ako ang napili mo,
Sa dami ng tao sa mundo ako pa na tipuhan mo.
Bakit ako ang tanong ko?
Bakit hindi ang sagot mo?
puro bakit pero-
aaminin ko ako’y unti unti ng nahulog sa iyo.
Nakalimutan ko ng umiyak
Umiyak habang tangan ang mga liham na bigay mo,
mga salita sa bawat pangungusap
mga titik sa bawat salita mga patlang, tuldok, tandang pananong mga tanong mo na hindi ko nasagot…
Nakalimutan ko ng mag kape dahil kasing pait nito ang mga sakit na iniwan ko sa puso mo.
Ang puso mo na hindi buong magiging akin dahil noong panahon na yun pareho tayong hindi malaya.
Malaya sa mga puna ng karamihan.
Malaya sa pag ibig ng iba.
Malaya na mahalin ang isat isa.
habang ang kalahati ng ating mga puso, kamay at kaluluwa ay nakatali na sa iba…
Nakalimutan ko na ang pakiramdam na maging masaya.
Masaya habang kapiling ka
Ikaw ang bumuo sa wasak kong puso
At ako sa wasak mong pagkatao
Ngunit sadyang mapaglaro si bathala at ang mga tala ay hindi naging tama
Ang sabi nga ng iba ang pag ibig ay para lamang sa matatapang at pareho tayong naging duwag na ito ay ipaglaban.
Kaya hanggang dito na lamang unang subok lang ito mula sa kawalan-
Gawa ng malikot na utak mula sa sa karimlan ng imahinasyon at ngayun ay wala na
At ngayun aaminin ko na- Paano nga ba?
Nakalimutan ko na kasi ang Kalimutan ka.