An open letter to my EVERYTHING that becomes NOTHING. 💔

Mahigit 4 na buwan simula nang malaman kong may nagugusthan ka nang iba kaya hinayaan kita sa desisyon mo. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Masakit man pero kailangan ko nang harapin ang realidad na hindi mo na ko mahal. Masakit kasi pinagpalit mo ang mahigit 5 taon  (na dapat ngayong december ay 6 na taon na) na pagsasama ntin sa panandaliang saya. Ngayon, ang mundo ko ay tuluyan nang nasira. Nawalan ng kulay, at higit sa lahat nawalan na ng gana. Tinanong kita kung anong kulang sken? Ang sagot mo ay “Wala. Sobra pa nga.” Ang sagot ko nman “Bakit ganun? Ung sobra ko kulang pa din sayo?” At wala na kong sagot na nakuha mula pa sayo. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko na gusto kong hanapan ng sagot ng makalaya na ko sa nararamdaman ko. Pano nga ba ako makakalaya sayo kung ang puso ko ay ikaw at ikaw pa din ang sinisigaw, Mata na ikaw lagi ang hinahaphanap, at isip na ikaw lagi ang laman? Pinipilit kong maging malakas araw-araw pero at the end of the day sayo pa din ako bumabagsak. Worth it ba? Worth it ba lahat ng pinalit mo? Worth it ba yung mga desisyon mong sya ang pinili mo? Masaya ba kayong dalawa? Masaya ka ba na nkikita ako miserable? Nasan na ung mga pangako mo sken? Sabe mo sken wala akong dpat ikaselos kasi hindi mo sya gusto, sabe mo pa nga “yuck, kadiri! Hindi ko papatulan un! Mandiri ka nga!” Pero bat ganun? Sa kanya ka pa din pala babagsak. Gusto kong magalit sayo, gusto kong gumanti sainyong dalawa dahil sa ginawa nyo sken! Pero hindi ko magawa kasi hanggang ngayon Mahal pa din kita! Mahal na mahal. Na sobrang pagmamahal ko sayo wala nang natira pa sa sarili ko. Ready akong igive up lahat lahat para sayo, Ready ako ipaglaban tong relasyon natin, Ready akong piliin ka kahit anong mangyari pero at the end mas pinili mong saktan ako. Na ngayon may mga nakaalam ng relasyon natin nagalit ka sken ng sobra, Tanong ko, san ka ba nagalit/natakot? Dun sa nalaman nilang naging tayo ng ganun katagal? O dun sa konseptong niloko mo ko? Wag ka mag-alala hindi  ko gnawa yun. Kasi ung mga tanong ko ako na ang gumawa ng kasagutan, Ang sagot lang pala ay “HINDI MO NA AKO MAHAL”. Hindi mo na ako mahal kaya nagawa mo tong mga bagay na to.   Hirap na hirap akong tanggapin ang sagot na to, Hirap na hirap na ko ngayon! Gusto ko nang i-fast forward ang lahat at pumunta dun sa time na nagheal na ko. Pero wala nmang ganun eh, dba? Sguro hahayaan ko nlang muna ang sarili kong maramdaman to. Hanggang sa mapagod ako na im sure lahat ng ito ay tatawanan ko nlang. Maybe right now hindi mo pa narerealize kung ano ung mga namissed mo habang kasama mo ko, ung mga challenges na pinagdaanan natin na nilabanan natin, at ung mga memories na sobrang saya habang magkasama tayong dalawa , ung mga pinagpalit mo, But Im sure, kapag malungkot ka sa piling nya you will realize the one thing that I made you happy. 

Thank you so much sa mahigit limang taon na kasama kita. Hindi ko pinagsisisihang minahal kita kasi naging masaya ako sayo. I will always pray for your happiness kahit hindi na ako yun.  At lagi mong iingatan ang sarili mo. Good bye.

Exit mobile version